Habang may Lindol
Kung nasa loob ng gusali:
Duck, Cover, and Hold – yumuko, magtago sa ilalim ng matibay na mesa, at kumapit.
Lumayo sa bintana, salamin, kabinet, at mabibigat na gamit na maaaring mahulog.
Huwag gumamit ng elevator.
Panatilihin ang kalmado at huwag mag-panic.
Kung nasa labas:
Lumayo sa mga gusali, poste ng kuryente, puno, at anumang maaaring bumagsak.
Humanap ng maluwag at ligtas na lugar.
Kung nasa kalsada at nagmamaneho, dahan-dahang huminto sa gilid at huwag bumaba hangga’t hindi ligtas.
---
Pagkatapos ng Lindol
Maging alerto sa aftershocks.
Suriin ang sarili at mga kasama kung may sugat, at magbigay ng paunang lunas.
Lumabas ng gusali sa maayos na paraan at dumiretso sa ligtas na evacuation area.
Huwag agad bumalik sa loob ng bahay/gusali hangga’t walang kumpirmasyon na ligtas.
I-report ang nasirang kuryente, gas o linya ng tubig sa mga awtoridad.
Makinig sa balita mula sa radyo, TV o official government pages para sa update.
---
❗ Tandaan: Ang pinakamahalaga ay manatiling kalmado, alerto, at handa.


No comments:
Post a Comment